ANNOUNCEMENT:

NOTICE TO ALL PGO ADMIN ACCESS MEMBERS:
ADMIN ACCESS MAINTENANCE IS ALREADY FINISH.YOU MAY ABLE TO LOG IN AGAIN ON THE SAID SITE.THANK YOU FOR PATIENTLY WAITING.




ANNOUNCEMENT:WE WILL BE ACCEPTING MEMBERS UNTIL THEIR IS A SLOT LEFT,LAST SLOT LEFT AS OF DECEMBER 7,2016.TXT/VIBER US ON MOBILE NUMBER +639984709012 FOR MUCH FASTER GIVING YOU ASSISTANCE.THANK YOU.WE HAVE 50% DISCOUNT UNTIL DECEMBER 8,2016 IF SLOT IS STILL AVAILABLE.

Featured Post

Featured Uncut Indie Movie:Month of May 2016(Embedded Only) With Free Preview

CLICKHERE  TO WATCH THIS MOVIE Free Preview:

Home » » The Letter (Complete Story)

The Letter (Complete Story)

Dami kong iyak sa kwento nato guys kaya I want to share it to all of you.Hay....Sarap magmahal pero masakit din naman ang masaktan.Lalong lalo na pag alam mong pinaglaruan kayo ng tadhana ngunit paano kung tadhana na rin ang gagawa ng paraan para magkita kayong muli at bigyan ng pagkakataon na mahalin ang isat isa.Ngunit ang pagkakataon na yun ay may limitasyon?Na intriga kayo no?Read the story nalang guys at mag ready nalang kayo ng panyo na pampahid sa inyong mga luha.

You can read the story while listening to this beautiful song by six part invention entitled "Umaasa Lang Sayo".





"Ano ba yang pinapatugtog mo?" tanong ni Anthony sa akin.
"Si Yiruma yan. Korean pianist." sagot ko sa kanya. "Bakit? Ayaw mo?"
"I love it. Gawan mo naman ako ng copy."
"Sige ba. Bukas gagawan kita."
"Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangan bukas pa?"

Panaginip. Panaginip lang. Minulat ko ang mga mata ko. Nakatulog ako sa mahabang byahe pauwi ng Tarlac. Tumingin ako s alabas. Walang katapusang luntian ang nakikita ko. Ang bundok Arayat ang tanging bumabasag sa malawak na bughaw na langit. It could have been a beautiful day. Kung hindi lang sa pagkamatay ni tito Ed.

"Are you ok?" tanong ni Miguel sa akin.
"Yeah. I'm ok." sagot ko sa kanya na hindi siya nililingon. Nakatuon lang ang pansin sa napakahabang daan.
Inabot nya ang kamay ko at marahang pinisil. A simple gesture that says everything will be fine. But will it? Pero natutuwa ako at pinili pa rin nyang samahan ako sa pag-uwi. He's been very supportive and thoughtful.
"I love you." mahinang sabi nya sa akin. Halos pabulong. For how many months now, nandiyan pa rin sya sa tabi ko. Hindi nawawala. Kahit alam nyang hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay sa akin. Sabi nya'y handa syang maghintay. Tinatanong ko sa sarili ko kung mahal ko rin sya. Pero wala akong maisagot.



Pagpasok ko ng kwarto, hinanap ko ipod ko at inilagay kinonek sa speakers. Pinatugtog ko si Yiruma para ma-relax. nahiga lang ako sa kama nang hindi naghuhubad ng sapatos. Pinakinggan si Yiruma hanggang sa makatulog ako.

"Sino nga si tito Ed ulit?" tanong niya nang hindi ako sumagot sa "I love you" niya.
"He was my bestfriend's dad."
"Anthony? The one who passed away six years ago?"
It felt weird hearing his name again. My bestfriend who passed away six years ago. Anthony. Anthony. Parang kasalanan ang banggitin ang pangalan nya. Kasama ng pangalan nya ay mga mapapait na alaala. Lagi nang nakakabit sa pangalang iyon ang panghihinayang at lungkot. Anthony.
"Migs, is it ok if I just sleep for a while?" tanong ko sa kanya. Ayaw kong pagusapan si Anthony. At naiintingihan naman niya.
"Sure, just rest for a while. I'll wake you up when we're there." sagot nya.
"Thank you."

*******

Sabi nila, 'the mind forgets what the heart cannot.' Lalo na kung nagiwan ito ng sugat na kahit ilang taon na ang nakakaraan ay hindi pa rin maghilom. Healing is a choice, paniniwala ng iba. People choose to move on while others, they just drown themselves into misery. Ang pagkamatay ni Anthony ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Ang pagkamatay nya ay nagiwan din ng sandamakmak na panghihinayang. Regrets ika nga. At hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on.

"Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangan bukas pa?" tanong ni Anthony sa akin.
"Eh, busy pa ako eh. Madami akong ginagawa. Hindi katulad mo puro basketball ang inaatupag." sagot ko sa kanya.
"Ibu-burn mo lang naman ako ng copy ang dami mong sinabi. Sige bukas. Promise mo." sabi nya habang hinahalughog ang closet ko.
"Ano ba kasi hinahanap mo dyan?"
"Hiramin ko yung jacket mo. Yung binili natin nung Sabado."
"Hindi ko pa kaya nasusuot yon. Uunahan mo pa ako. Hindi pwede."
"AHA! Eto!" sabi nya na sinusuot na ang jacket.
"Hoy ibalik mo yan. Hindi ko pa nasusuot yan."
"Ite-test drive ko. Malay mo hindi pala maganda at least sa akin nila nakita hindi sa'yo."
"Isauli mo pagkatapos. Tsaka labhan mo. Ikaw kapag humihiram ka ng damit ko 'di mo nilalabhan."
"Ganun talaga para maka-hiram ulit."
"Gago. Isauli mo yan pagkatapos. Late na tayo."
"Mamaya na. Si Alfonso naman yun. Late naman lagi yun. Dito muna tayo. Laro tayo Tekken."
"Gago. May pasok tayo. Kung gusto mo maiwan ka dito. Ikaw na lang maglaro. Ako papasok na."
"Napaka-uptight mo naman. Sige na, sige na. Tara na."

I've known Anthony since I can remember. We've been the best of friends, kahit na totally different kami. He is a total jock. Popular. Member ng varsity team. Sikat sa girls. Ako, hindi sikat sa school. Walang sports or school activity. School bahay lang. Uptight sabi nga nya. But despite the differences, we're good friends. We shared a lot of memories. He was there when my dad died. I was there when his mom passed away. We kept no secrets from each other, well, just two things i guess. My being gay and that I wish he was too so there could be a chance for us. Pero hindi ko na masyadong iniisip yon, Malabo namang mangyari yun. That's why I contented myself to just being friends. But life has its ways of twisting the fate.

It was an ordinary Wednesday. Maaraw. Mainit. Maraming estudyante sa school. Kalahating oras na akong naghihintay sa likod ng gym. Hinihintay si Anthony matapos ang basketball practice. While waiting for him, nagbasa-basa muna ako ng libro. I was so lost in my reading that I didn't realize there was someone standing behind me. Akala ko si Anthony.

"Oy, baka naman tumalino ka na sobra dyan sa binabasa mo."
"Uy, Wesley. Ginulat mo ko." si Wesley, isa sa mga barkada ni Anthony.
"Sipag naman talaga mag-aral." umupo sya sa tabi ko.
'Hindi naman. Bored lang. Ang tagal ni Ton eh." sagot ko sa kanya. Isinara ko ang libro at ipinasok sa bag ko.
"Baka matagalan pa yon. Galing ako sa loob eh. Kakasimula pa lang nila." sabi nya.
"Ha? Sasabay ana ko sa kanya pauwi. Wala akong kotse ngayon eh."
"Nagmamadali ka ba?" tanong nya.
"Hindi naman. Kaso sabi ko kay mama ako magluluto ngayon eh." sagot ko sa kanya.
"Kayo ni Anthony no? Magkaibigan talaga..." mahina nyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. Maganda ang profile nya. Mahaba ang mga pilikmata. Matangos ang ilong. Maganda ang baba.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin sya sa akin. "Wala... wala lang. Ang close nyo kasi eh."
"O? Close naman na kami simula bata ah? Kahit kayo naman close ah?"
"Oo nga pero iba yung closeness nyo."
I started to feel weird. Bakit ganito kung magtanong si Wesley. Sa totoo, halos sabay din kaming lumaki ni Wesley. Classmate namin sya ni Anthony most of our elementary days.
"Alam ba nya na...?" bigla nyang tanong.
"Hindi... at hindi mo iyon sasabihin kahit kanino. At hindi ko rin sasabihin kahit kanino ang tungkol sa iyo." medyo inis kong sagot.
Natahimik sya. Malamang iniisip kung ano ang sasabihin.
"Nakalimutan ko na yun. Matagal na. Dapat ikaw din. Isa pa, that was a one time thing. Not that it will happen again." sabi ko.
Kinuha nya ang kamay ko. "Why? Ayaw mo ba maulit?" malumanay nyang tanong.
Tumingin ako sa kanya. Hindi alam kung ano ang isasagot. We were drunk back then. Sa isang despedida party ng barkada. Matagal na akong dudang bakla siya. Pero na-confirm ko iyon that night.
"Wes, we were drunk then. Biglaan lang yon. It meant nothing."
"Not to me... don't tell me that you didn't like it."
Muli na naman akong natahimik. "You mean..."
"I've thought about it. Maybe i do like you. And that kiss was just a testament..."
"Wes, it was just a kiss." putol ko sa kanya.
"Not JUST a kiss, Jason. To me it was something more."
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang papupuntahan ng usapan namin.
"Tell me you didn't like the kiss." hamon nya.
"What? You're crazy."
"Tell me."
"Wes, stop it." sabay tayo ko. Tumayo rin sya.
"It's Anthony, right?"
"What? What about Anthony?"
"Kaya hindi mo ako magustuhan dahil kay Anthony. Mahal mo siya?" akusa nya sa akin.
Lumapit ako sa kanya. "Magkaibigan kami ni Anthony. Para na kaming magkapatid. 'Wag kang magsasalita ng ganyan."
Bumuntong-hininga sya. "Then kiss me."
"Wes..."
"Please... I just wanna know if somehow, there is something in that kiss..."
"I am not gonna kiss you."
"Sige na. Minsan lang. If after the kiss you still felt nothing then I will not bring this matter up again. I promise."
Ako naman ang bumuntong-hininga. Sabagay, wala namang mawawala kung sususbukan ko. "Fine. I will kiss you just to prove to you that there was nothing in that kiss."
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang tatalon palabas ang puso ko. Dahan-dahan, lumapit sya sa akin. Kinuha nya ang mga kamay ko at marahang hinila nya ako palapit sa kanya. Unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. Nararamdaman ko ang mainit nyang hininga sa pisngi ko. At nang maglapat ang mga labi namin ay parang isang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ang lambot ng labi nya. Mainit. Hindi ko naiwasang mapapikit sa sarap ng halik na iyon. In my whole life, twice pa lang akong nahahalikan. At ang dalawang pagkakataon na iyon ay kay Wesley. Kahit sabihin ng utak ko na wala akong nararamdaman, iba ang sinasabi ng buo kong katawan.
Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ako naman'y parang kakapusin ng hininga. Sya ang unang kumawala. Nakatitig sa akin na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"Don't tell me you didn't feel that." nakangiti nyang tanong.
Ako naman ay walang maisagot. Nanginginig pa rin ang kalamnan dahil sa kanyang halik.
"I know you did. But if you're not ready yet, I understand." malumanay nyang sabi.
Hindi pa rin ako makapag-salita. Tameme pa rin akong nakatitig sa kanya.
"Jason... gusto mo... ako na lang maghatid sa iyo sa bahay?"
"Ha? OK... sige."

Pagkahatid sa akin ni Wesley sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina. Nakahiga ako sa kama at hinahaplos ang labi ko. Aminin ko man o hindi, parang may gusto na rin ako sa kanya. Pero ayokong i-entertain ang bagay na iyon. 'Di ko namalayang nakatulugan ko ang pag-iisip.

Ang lakas ng mga katok sa pinto ng kwarto ko. Akala ko matagal na ang tulog ko. Pagmulat ko ng mata, maliwanag pa. Alas-kwatro pa lang pala ng hapon. Kahit na ayokong bumangon wala ako magawa dahil ayaw tumigil sa kakakabog sa pinto. Pagbukas ko ng pinto, si Anthony.
"Ano ba, pare? Gigibain mo ba pinto ko?" banas kong tanong sa kanya.
Dirediretsong pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kama ko. "Sasauli ko lang jacket mo. Tsaka hubarin mo yang T-shirt na yan. Akin yan eh. 'Di mo na sinauli." sabi nya sabay hagis ng jacket sa akin.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya. May kaunting inis kasi ang tono nya.
"Wala akong problema. Baka ikaw ang meron." sagot nya.
"Oo, ikaw ang problema ko. Ang sarap ng tulog ko ginising mo 'ko."
Tahimik lang syang nakaupo sa kama. Nakatingin sa sahig.
"Pare, ano'ng meron sa sahig? Kanina mo pa tinititgan yan ah. Ano ba kasi problema mo?"
Akmang magsasalita pero binawi. Parang tinatantya kung ano ang sasabihin.
"Nakita kita kanina... sa likod ng gym..." mabagal nyang sabi.
Kahit hindi na nya ituloy ang sasabihin, alam ko na. At wala na rin akong lusot. Ang mahabang panahon ko na pagtatago... mabubunyag din pala. Pero hindi ko inasahan na sa ganitong paraan.
"Kami ni Wesley?" nangangamba kong sagot sa kanya.
"Oo, kayo ni Wesley. Pare... kelan ka pa naging...ganyan?" sagot nya na may panghuhusga sa tono.
"Anong ganyan...?" wala nang atrasan. "...bakla?"
"So inaamin mo? Inaamin mo na bakla ka?" tumataas na ang tono nya. Sabay ding pagtayo nya.
"Oo. Bakla ako... bakla ako, Anthony."
"Pare, no way. No way na bakla ka."
"Yes. I am."
"So all this time pala... All this time pala, nagpapanggap ka lang. All this time pala, sa tinagal-tagal nating magkaibigan since high school, 'di mo sinabi sa'kin na bakla ka!!!" malakas na ang boses nya.
"Para ano pang sabihin ko? For what? Will it make any difference kung sasabihin ko?"
"Yes it will, pare! I can't believe this... " sabay labas ng kwarto.
"Anthony, sandali..." pero hindi ko na sya nahabol.

Nagbago ang lahat. Hindi na nagpupunta ng bahay si Anthony gaya nang madalas niyang gawin. Hindi na rin kami nagkakasabay sa school. At kahit na may mga classes kaming magkasama, hindi rin kami nagpapansinan. On my part, it was more of shame. And fear. Nahihiya akong lumapit sa kanya at natatakot na baka umiwas lang sya. Kahit sila ni Wesley ay hindi na rin nagkakasama. At napansin iyon ni Wesley.

"Ok lang ba kayo ni Anthony?" minsang tanong sa akin ni Wesley. Nasa cafeteria ako nang bigla syang lumapit sa akin.
"Bakit?" tanong ko. Ayokong malaman nya ang pag-aaway namin ni Anthony.
"Para kasing nag-iiwasan kayo nitong mga huling araw."
"Ha? Wala yun. Tampuhan lang..."
"Talaga? Para kasing pati ako iniiwasan nya..."
Tumingin ako sa kanya. "Nakita nya kasi tayo... sa likod ng gym."
Namutla sya. "Oh shit! Sorry! Hindi ko alam. Shit, Jason. I'm really sorry." sunud-sunod nyang sabi.
"Ok lang yon. It was bound to happen naman..." pagsisinungaling ko.
"No... it was my fault. You want me to talk to him?"
"Wes, don't. I already told him that I'm gay. There's no point."
Bumukas ang pinto ng cafeteria. 'Di ko inaasahan ang pagpasok ni Anthony. Nakita nya kami ni Wesley pero dumiretso lang sya sa counter. Ano ba magagawa ko kung hindi nya matanggap na ganito ako. Pero masakit pa rin.

Ang mga araw ay umabot ng linggo. Ang linggo ay umabot ng buwan. And we became strangers to one another. Wesley became a constant companion. Minsan, nakakalimutan ko si Anthony dahil sa kanya. Unti-unti, parang nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya. But still, I was afraid. Afraid of committing myself into a relationship when there is one I had that needs fixing. But nevertheless, I was glad he was there. Sometimes, it feels like we were casted out of the world. And the world looks at us as sinners.

Overtime, I got used to Anthony's absence. Hindi naman ako natutuwa pero at least gumagaan ang pakiramdam ko. Somehow, his absence made me accept my true self easier. Especially with Wesley being around. With Wesley, I can express myself freely. Without any fear of being prejudiced.

Hininto nya ang kotse sa harap ng bahay ko. It was Friday. "Labas kami nila Alfred mamaya. Hang-out sa Denny's. Wanna come?" tanong sa akin ni Wesley.
"No. I think I'll just rest here sa bahay." sagot ko.
"Are you sure?" "Yes. But thanks for asking. See you." at bumaba na ako ng kotse.

Pagpasok ko ng bahay, nagulat ako dahil nandoon si tito Ed.
"O, Jason. Kanina ka pa hinihintay ng tito Ed mo." salubong sa akin ni mama.
"Yes tito?" tanong ko sa kanya.
"Itatanong ko lang sana kung magkasama kayo ni Anthony. Kanina ko pa sya hinahanap. Hindi rin sinasagot ang cellphone nya. Baka kako eh magkasama kayo." alalang tanong ni tito Ed.
"Hindi po kami magkasama ngayon. Baka po nasa ibang barkada nya."
"Ganon ba?"
"May problema ba kayo ni Anthony, Jason? Parang ang tagal na kasi nung huli syang dumalaw dito." tanong ni mama.
Natahimik ako. Natulala. Hindi alam kung ano ang isasagot sa kanya.
"Yun nga rin ang itatanong ko. Bakit nga ba hindi ka na rin dumadalaw sa bahay. At si Anthony, madalas lang na nagkukulong sa kanyang kwarto. Ano ba ang nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo?" tanong ni tito Ed.
"Ano po... kasi... ano lang po iyon... konting tampuhan. Maaayos din po namin yon. Baka po nasa barkada lang o iyon maya-maya uuwi din. Akyat po muna ako sa kwarto." hindi ko maharap si mama at si tito Ed. Ayokong magsinungaling sa kanila pero ayoko rin namang malaman nila ang totoong dahilan.

Umakyat ako sa kwarto. Hinanap ang aking ipod at ipinatong sa speakers. Pinatugtog ko si Yiruma para marelax. Nahiga ako sa kama nang hindi hinuhubad ang sapatos. Nakinig sa tugtog hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatuog. Nagising ako, madilim na. Tanging ilaw lang ng poste sa labas ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nagising ako dahil sa ingay ng nagri-ring na phone. Si Wesley.

"O, bakit?" tanong ko.
"Jason... si..." humihingal sya.
"Napaano ka? Nasan ka?"
"Nasa Denny's. Jason, si Anthony."
"O? Bakit?"
"Jason... wala na si Anthony. Nasaksak kanina dito sa bar."
"Ano? Ano'ng kalokohan.... Wes, ayoko ng ganyang biro." pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hindi ako nagbibiro. Umawat sya sa away pero nasaksak sya. Jason, dead on the spot si Antho..."
"Tama na, Wesley!" ayoko ng marinig pa ang sasabihin nya. Umaagos na ang luha ko. Wala na si Anthony.
"Kuya!" bati ng kapatid ko sa akin ng buksan nya ang gate.
Bumaba ako ng kotse at niyakap sya ng mahigpit. "Potchie!"
Kumalas say sa yakap ko. "Kuya naman eh. Hindi na Potchie ang pangalan ko no? Dalaga na kaya ako."
Bumaba ng kotse si Miguel. "Allyana!" bati nya sa kapatid ko.
"Kuya Migs! Kamusta ka na?" pahabol nyang yakap kay Miguel.
"Eto, tumataba." sagot naman niya.
"Pero, gwapo pa rin ah." sagot ni Allyana.
"Eh ako? Pogi din?" singit ko.
"Hindi. Pangit pa rin." sagot nya. "Ma, dito na si Kuya kasama si Kuya Migs!" sigaw niya. 


Matapos naming makapahinga, pumunta na kami sa burol ni tito Ed. Habang tinititigan ko sya, lalo kong nararamdaman ang panghihinayang. Mula kasi nung mamatay si Anthony, hindi na ako dumalaw sa kay tito Ed. Naputol na rin ang communication namin. Nung mamatay si papa, parang sya na ang naging ikalawa kong ama. Marahil, napakasakit sa kanya ang hindi ko na muling pagbisita sa kanya. Marahil, hindi lang sya nawalang ng isang anak, kundi dalawa. Ngayon, dala ko sa kalooban ko ang pagsisisi na san'a'y hindi ko inilayo ang sarili ko sa kanya. 

Inilibing sya sa tabi ni Anthony. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang puntod ni Anthony. Iniisip ko kung nakikita kaya nya ako. Kung binabantayan nya ako. O baka naman galit pa rin sya sa akin. Sayang, bakit hindi kami nagkaayos? Bakit nagpaalam syang may galit sa akin. 

Matapos ang libing, dumiretso kami ng bahay para magpahinga. Pumasok ako sa kwarto ko. Si migs ay kumakain sa baba kasama si mama at si Allyana. Binuksan ko ang closet ko. NAndoon pa rin ang mga lumang damit ko. Sinusuot ko lang tuwing umuuwi ako dito. Hinalughog ko sa pinakailalim na drawer yung jacket na hinahanap ko. Yung jacket na ni minsan ay hindi ko nasuot. Yung jacket na hiniram ni Anthony. Inilagay ko ito sa isang ziplock noon dahil ayokong mawala ang amoy ni Anthony na kumapit rito.

Anim na taon. Anim na taon din nung huli ko itong makita. Binuksan ko ang ziplock at inilabas ang jacket. Inilait ko ito sa mukha ko. Nandoon pa rin ang amoy. Medyo faint na nga lang pero langhap ko pa rin ang amoy niya. KInapa ko ang bulsa nito. Tiningnan kung may laman. Isang papael ang nakapa ko sa isang bulsa nito. A piece of paper folded neatly in half. Binuklat ko ito. Isang sulat. At sulat kamay ni Anthony. Parang gumuho ang mundo ko nung basahin ko ang nilalaman;

"You can have any guy you want but you wouldn't choose me. Why not me? I have always loved you, Jason. I know we're not supposed to but I do. I love you, I love you, I love you. Love me back."

arang mamamatay ako sa pagsisisi. Bakit hindi nya sinabi? Kaya ba sya galit dahil nagseselos sya? Bakit hindi ko sya pinakinggan. Bakit hindi ko naramdaman? Sana nakita ko yung letter ealier. Sana... sana... 

Ang daming bakit. Ang daming sana. Mahal nya ako. Noon pa man. Ang daming nasayang na panahon. Ang daming lumipas na araw na sana masaya kaming magkasama. Bakit lahat ng iyon pinalampas ko? Sana pwedeng mabalik lahat. Sana bumalik ang oras. Sana may pagkakataon pa. 

Naupo ako sa sahig. yakap ang jacket ng mahigpit. At ang sulat ni Anthony, halos mapunit sa higpit ng pagkakalamukos ko. Walang tigil ako sa pag-iyak. "Anthony... Anthony..." bulong ko. "Bumalik ka. Bumalik ka. Anthony, bumalik ka. Mahla na mahal kita..."

Isinubsob ko ang mukha ko sa jacket at doon iniyak ko ang lahat ng panghihinayang ko. 

"Jason." may tumawag sa akin. "Jason." muli nyang tawag nung hindi ako lumingon.
naramdaman kong lumapit sya sa akin. Naupo sa tabi ko. "Tulog ka ba?" sabay kalabit sa balikat ko.
Iniangat ko ang mukha ko mula sa pagkakasubsob sa jacket. Nilingon ang lalakeng kumakausap. Si Wesley. 
"O? Anong nagyari sayo? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong nya. 
Lumingon ako sa paligid. Nagtataka. kanina lamang ay nasa loob ako ng kwarto ko pero bakit ngayon ay nasa likod ako ng gym. Ang gym ng dati naming school. 
"Uy, Jason. Ano'ng nagyari sa 'yo?" tanong ulit ni Wesley. Tumingin ako sa kanya. Si Wesley, na huling nakita ko noong graduation namin. That was five years ago. Pero hindi nagbago ang hitsutra nya. 
"Bakit... paanong napunta ako dito?" mahinang tanong ko.
"Baka naglakad ka paunta dito. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Wesley.
"Wes? Wesley?" 
"Jason? Jason? Ang weird mo. Kanina umiiyak ka ngayon parang nawawala ka sa sarili mo. Nagda-drugs ka ba?" tanong nya.
"Ha? Hindi. Hindi ako nagda-drugs... Wesley? Bakit hindi nagbago ang hitsura mo? Tsaka diba dapat nasa Canada ka? " tanong ko.
"Ha? Ano? Ano'ng gagawin ko sa Canada?"
Ang weird. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hawak ko pa rin ang jacket. Hinanap ko ang sulat ni Anthony pero wala.
"Ano ba hinahanap mo?" tanong ni Wesley.
"Yung sulat."
"Anon'ng sulat?" siya rin ay tumayo para maghanap. 
"Yung sulat. Nasaan na yon." 
Hinanap ko sa bulsa ng jacket pero wala. 
"Kaya ka ba umiiyak dahil sa sulat? Kanino ba galing iyon?" tanong nya.
"Hindi... oo... ha? Basta. nasaan na 'iyon."
"Alam mo wala akong nakitang sulat. Si Anthony kanina ka pa hinahanap."
Natigil ako sa paghahanap. Si Anthony? Sin Anthony hinahanap ako? Buhay si Anthony?
"Si Anthony? Buhay? Buhay si Anthony?"
"Ah... oo... matagal na. Matagal na siyang buhay." sagot nya. "Ang weird mo."
"Buhya sya? Baka naman ako na yung patay... baka patay ka na rin Wes."
"Ano ba pinagsasasabi mo? Kanina ka pa niya hinahanap. May sasabihin daw sa 'iyo."
"Si Anthony? Hinahanap ako? May sasabihin sa akin? Paano?" 
"Jason, itigil mo na yan. Hindi ako natutuwa. Tama na." banas na utos ni Wesley. 
"May sasabihin sya sa akin?" buhay si Anthony. Buhay pa si Anthony.

Teka. Baka naman panaginip lang ito. "nananaginip ba ako, Wes?" tanong ko kay Wesley.
"Jason itigil mo na yan."
Kung ganon hindi ako nananaginip. At buhay si Anthony. Buhay si Anthony. At may sasabihin sa akin. baka magtatapat. baka sasabihin niya na mahal nya ako.
"Nasaan daw sya?" tanong ko.
"Kanina nasa basketball practice. Ewan ko kung saan sya ngayon. Baka umuwi na."
"Talaga? O sige, puntahan ko na lang sya. Salamat, Wesley. Nice seeing you again." at tumakbo ako paalis para puntahan si Anthony.
"Hoy, 'wag kang mag-drugs!" pahabol na bilin ni Wesley.

Na-realize ko na may cellphone pala ako sa bulsa. Kinuha ko ito at dinial ang number ni Anthony. Nag-riring.
"Hoy! Saan ka?" bati ng nasa kabilang linya.
"Anthony! Anthony ikaw ba yan?" excited kong tanong. para akong lilipad nung marinig ko ulit ang boses nya.
"Gago. Sino ba sa tingin mo? Mokong na 'to. San ka ba?"
"Papunta sa inyo." sagot ko.
"Nandito ako sa bahay niyo. Akala ko naka-uwi ka na."
"Wag kang aalis dyan. Dyan ka lang hintayin mo 'ko." 
"Ok. Hindi rin naman ako makaka-alis. Nagpapatulong si Potchie sa diorama nya. Bilisan mo."

Binilisan ko ang takbo ko. Buhay nga si Anthiny. Makikita ko ulit sya. Sa pagtakbo ko nadaan ako sa isang parlor. nakita ko ang hitsura ko sa salamin. Napahinto ako. bakit iba na ang suot kong damit. Kanina'y naka-balck ako ng polo na suot ko sa libing, ngayon ay naka-tshirt na lang ako at maong na pantalon. Magiing ang hitsura ko ay nag-iba. Bumata. 

Medyo malayo ang tinatakbo ko. Iniisip ko pa rin kung paanong nangyaring buhay si Anthony. Anim na taon na ang nakakaraan. Matagal na siyang patay. nagyon, kakaka-usap ko lang sa kanya sa phone. 

"Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangan bukas pa?" bigla kong naalala yung sinabi niya noong nagpapagawa sya ng copy ng Yiruma. "Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangan bukas pa?" Napahinto ako sa pagtakbo. Baka binibigyan ako ng second chance. Baka ibinalik ako sa nakaraan para magkasama kami ni Anthony. Is it possible that something like this could happen? Naguguluhan ako. Pero kung ano man itong nangyayaring ito, ang mahalaga, buhay si Anthony and this time, gagawin ko ang lahat para magkasama kami.

Nagmamadali akong binuksan ang gate pagkadating ko sa bahay. pagpasok ko sa sala, nandoon si Potchie. Bata pa sya. Eight years old. 
"Kuya." bati nya.
"Ang kuya Anthony mo nasaan?" agad kong tanong sa kanya.
"Nasa kwarto mo." sabi nya. 
Nagmadali akong umakyat sa taas. Pagtapat ko sa pinto ng kwarto ko, huminto ako. Paano kung hindi totoong buhay sya. Paano kung panaginip nga lang ang lahat. Pero kahit na. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob.

Doon, nakaupo sa kama ko, hawak ang isang pirasong papel. 
"Ton?" hindi ako makapaniwala. Parang sasabog ang puso ko sa saya. 
"O? Napano ka?" sabi nya sabay bulsa sa papel na hawak. 
Tumakbo ako palapit sa kanya at sinunggaban ko ng yakap. "Buhay ka. Buhay na buhay ka." hindi ko na rin mapigil ang iyak ko.
"Natural buhay ako. Ano bang pinbagsasasabi mo?" sagot nya pero naramdaman kong niyayakap na rin nya ako. 
"Akala ko hindi na kita makikita ulit..." sabi ko sa gitna ng mga pagluha ko.
"Hindi naman ako umalis ah." lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.
Ayokong kumawala sa pagkakayakap nya. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon.
"May sasabihin ako sa 'yo." mahina nyang sabi,
Kahit ayaw ko, kumalas ko sa pagkakayakap. 
"Bakit ka umiiyak?" natatawang tanong nya.
"Masaya lang ako. Kasi nandito ka ulit." sagot ko.
"Talaga? Masaya din ako nandito ka."
"May sasabihin ka sakin, di ba?"
"Jason..." kinuha nya ang kamay ko at pinisil ng bahagya. Nakatitig sya sa mga mata ko. "Mahal kita. Mahal na mahal. Simula pa noon. Do you...?'
Muli ko syang niyakap ng mahigpit. "Mahal din kita. Mahal na mahal."
"Talaga? Mahal mo rin ako?"
"Oo. Simula pa noon kaso natakot ako baka masira ang pagkakaibigan natin. Pero mahal kita."
"Ganon din ang takot ko. Baka kasi mag-iba ang tingin mo sa akin kapag sinabi ko sa 'yo."
Bumitaw ako sa pagkakayakap. "Hindi. Hindi kailanman magbabago ang pagtingin ko sa'yo." 
At bigla nya akong hinalikan. Para akong matutunaw sa kanyang halik. Napakainit ng kanyang labi.
Lalo pang humigpit ang pagkakayakap nya. Ako naman ay sinuklian ko ang kanyang halik. Parang magsasanib na ang mga katawan namin. Parang lahat ng kinimkim naming pag-ibig ay ibinubuhos namin ngayon sa halik na iyon. 
Unit-unti, naramdaman kong itinataas nya ang t-shirt ko.


**********

How do you define happiness? That I will never know. But right now, happiness is defined in one word alone. Anthony. It was a weekend and we shared it together doing what we used to do before. But this time it was different. Ngayon, mas malaya na naming naipaparamdam ang damdamin namin sa isa't-isa. Parang nagkaroon ng bagong kulay ang mundo. Nagbago rin ang mga napag-uusapan namin. Nagkaroon ng kakaibang lalim. Minsan, kahit hindi kami magsalita, naguusap kami sa tingin lamang. At ang bawat hawak at haplos nya, nagkaroon ng kakaibang kahulugan. Hindi ko na rin nga iniisip kung paanong nakabalik ako sa nakaraan. Ang tanging laman ng isipan ko ay kami. 

"If you were to travel back in time, ano ang babalikan mo?" minsang tanong ko sa kanya. Nakahiga kami sa kama niya, pinapalipas ang oras.
"Ako? hmmmmm...." pagiisip nya.
"Ang tagal namang sumagot."
"Sandali, iniisip ko pa. Kasi halos naging maganda naman ang buhay ko."
"Sabagay. Ako siguro... sana noon ko pa sinabi na mahal kita. Naalala mo nung fourth year high school tayo? Sa COTC natin? Yung nag-collapse ako dahil sa init?" sabi ko sa kanya.
"Oo. Tingin ko nagkunwari ka lang nun eh...."
"Sira. Hinimatay talaga ako non... nung magkamalay ako at ikaw ang una kong nakita, dun ko na-realize na mahal pala kita."
"Wooshoo! Ang corny mo naman..." pabiro nyang sabi.
"Bakit ikaw, kelan mo nalaman na mahal mo rin pala ako?" hamong tanong ko sa kanya.
"Secret. Akin na lang iyon." sagot nya na pangisi-ngisi pa.
"Hay naku! Ewan ko sayo." hinampas ko say ng unan at siya'y tatawa-tawa lang. Kinuha nya ang mga kamay ko at hinalikan. Marahan. May pagmamahal. Saka tumitig sa akin. 
"Mahalaga ba kung kelan kita unang minahal? 'Di ba mas mahalaga na habambuhay kitang mamahalin?" 
"Hahahahaha! Sino kaya sa ating dalawa ang corny?" sagot ko. 
Hinila nya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat dampi ng malambot niyang mga labi. Ang bawat hagod ng dila nya sa loob ng bibig ko ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko. At sa tuwing maglalapat ang aming mga katawan, para akong niyayakap ng mga ulap. 
Humiwalay sya sa higpit ng pagyayakap namin. Hinubad nya ang kanyang t-shirt saka muling sinunggaban ako ng halik. Parang sinisilaban sa init ang kanyang katawan. Ang kanyang katawan ay nabalutan ng maliliit na butil ng pawis. Lalo pang tumindi ang pagsiil nya ng halik. Halos mabuwal ang labi ko. Ang kamay naman nya ay pilit niyang ipinapasok sa loob ng aking t-shirt. Ginalugad ang katawan ko at ng mahanap nya ang aking utong, marahan nya iton nilaro sa mga daliri nya. Kinurot ng bahagya na lalong nagpatindi sa init na nararamdaman ko. 
Sa aking hita ay nararamdaman ko ang unti-unting nabubuhay nyang laman. "Mahal na mahal kita. Jason." bulong nya sa akin. Hinubad nya ang kanyang suot na shorts at pumatong sa akin. Muli kaming naghalikan. 

**********

Bumangon ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Parang magaan ang pakiramdam. But not in a good way. pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin. Pumasok ako sa banyo. Tumingin sa salamin. Wala namang pagbabago akong nakita. Same as always. Matagal akong nakatitig sa reflection ko sa salamin ng biglang nag-flicker ito. parang ilaw na umaandap-andap. Nawawala pagkatapos ay muling lilitaw. Hindi ko alam kung paanong nangyari. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako. Ipinikit ko ang mga mata ko. "Hindi nangyayari ito." paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Muli kong binuksan ang mga mata ko. Ngunit wala akong makitang reflection sa harap ng salamin. Natakot ako. Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Umaasang pagmulat ko ay bumalik na ang aking reflection. Pagdilat ko, naroon nga ang aking imahe pero kakaiba. Tumanda ng mga ilang taon. Anim na taon. Nagmadali akong lumabas ng banyo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 

Kinuha ko ang phone ko. i dialed Anthony's number. I was so scared.
"Hello, mahal?" sagot nya.
Hindi ako makapag-salita. nahimasmasan ako ng kaunti. 
"Hello..." nanginginig ang boses ko. "... nasaan ka?" 
"Papasok na ng school. Ikaw? Bahay ka pa ano?" dinig ko sa boses nya ang kasiyahan.
"Ha? Oo... nasa bahay pa ako..."
"Is there something wrong?" tanong nya.
"Wala... wala naman. Na-miss lang kita." sabi ko sa kanya.
"Asus. Na-miss din kita. MWAH! Love you. Bilisan mo diyan may pasok ka pa."
"I love you too."

Muli akong pumasok sa banyo. parang walang nagyari. Ang hitsura ko ay ganoon pa rin. Hindi nagpi-flicker ang reflection ko. malik-mata lang siguro. Naligo na ako at nagbihis. 

Palabas ako ng gym. Last class ko for the day. Dumaan ako sa likod ng gym para mas malapit sa parking lot. Doon kasi naka-park ang kotse ni Anthony. Sasabay ako sa kanya pag-uwi. nakita ko si Wesley na ankatayo roon. Lumapit ako sa kanya.

"Kamusta? parang ang tagal nating 'di nagkita ah." bati ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin. Gaya nang madalas na ginagawa nya tuwing makikita ako. I admit, na-miss ko rin sya. 
"Heto. Ok lang. Ikaw? Kamusta ka?"  
"Ok lang din. Ano ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ka." sagot nya.
"Ha? Bakit?' pagtataka ko.
"May ibibigay ako sayo." at dumukot sya sa bulsa nya at iniabot sa akin. isang papel. 
"Ano 'to?" tanong ko kahit alam ko na kung ano yun.
"Iyan yata yung sulat na hinahanap mo noon."
Binuklat ko ang papel. Sulat ni Anthony.
"Paanong napunta sayo 'to?" tanong ko sa kanya.
"Nakita ko yan nung pagka-alis mo."
"Ibig sabihin matagal na sayo 'to?" tanong ko.
Hindi sya kumibo. Parang nahihiya. "Pasensya na hindi ko kaagad naibigay..."
"Bakit mo tinago? Bakit hindi mo agad sa akin binigay?" 
"Mahal mo ba siya?" mahinang tanong nya.
Nakatingin sya sa mga mata ko. naghihintay ng kung ano ang isasagot ko. 
"Bakit 'di ka sumasagot? mahal mo ba si Ton?" matigas nyang tanong.
"Oo, Wesley. mahal ko sya." sagot ko.
Tumalikod sya. "Yung nangyari sa atin noon? Sa party. Ano yun?" 
"Wes, we were drunk then. Biglaan lang yon. It meant nothing." 
"Not to me... don't tell me that you didn't like it."
Muli na naman akong natahimik. "You mean..."
"I've thought about it. Maybe i do like you. And that kiss was just a testament..."
"Wes, it was just a kiss." putol ko sa kanya.
"Not JUST a kiss, Jason. To me it was something more."
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang papupuntahan ng usapan namin. 
"Tell me you didn't like the kiss." hamon nya.
"What? You're crazy."
"Tell me."
.Parang umikot ang paningin ko. Nangyari na ito. Is it happening again? 
"I didn't." sagot ko sa kanya. 
"Bakit hindi? dahil kay Anthony? bakit, Jason, kayo ba?" may pait sa boses nya. Nasasaktan ba sya?
"Wesley..." 
"I understand. Alam ko namang sya ang pipiliin mo. Hindi ko binigay yang sulat na yan dahil umaasa akong kapag hindi mo nabasa, hindi mo malalaman na mahal ka rin nya. Pero, obviously, you've always known..."
"I'm so sorry... Wesley, believe I didn't mean to hurt you."
"That's ok, Jason. I'll be fine."
"Thank you..." lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi. "I'll be going." naglakad ako papalayo sa kanya.
"Jason!" hinabol nya ako. "birthday ni Alfred ngayon. Hang-out lang sa Denny's. You should come. You and Ton."
"Tanungin ko si Anthony kung gusto niya. But I love to come."
"Sige, asahan kita." saka na sya umalis. Naglakad na ako papuntang parking lot. Habang naglalakad ako, naisip kong basahing muli ang sulat ni Anthony. Pero nang buksan ko ito, wala ng nakasulat. Blangko ito. Nakapagtataka. Samantalang kanina ay nandoon pa ang isinulat ni Anthony. Tinitigan ko ang balngkong papel. Biglang may lumitaw na pangalan. "Jason".

Sandaling nawala ang pangalan ko pero bumalik din. tapos ay nawala ulit. gaya ng reflection ko kanina sa salamin. Na-realize ko, Friday pala nagyon, August 22. Birthday ni Alfred. Ito yung araw na nasaksak si Anthony sa Denny's. Kinakabahan ako. Ano ang mga ito? Ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito? Senyales ba ito na magkakalayong muli kami ni Anthony?

Madali kong hinanap ang kotse niya sa parking lot. Wala rito. Dinukot ko ang cell-phone ko sa bulsa. hiannap ang number nya.

Nagriring ang phone nya pero hindi nya ito sinasagot. Nagpapanic na ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang aatakihin ako sa puso. Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko sa mata. bakit ngayon pa? 

Hindi pa rin sinasagot ni Anthony ang phone nya. "Ton. Sagutin mo." Biglang may yumakap sa akin. Mahigpit. isang pamilyar na yakap. pamilyar na init. Alam ko rin ang amoy na iyon. Si Anthony. Nakalma ang puso ko. Parang bubuwal ako sa pagkakatayo.

"Ton?"
"Nagulat ka ba?" malambing nyang sabi.
Humarap ako sa kanya at yinakap ng napaka-higpit. "Akala ko wala ka na?" sabi ko sa kanya. 
"Nandito ako. hindi naman ako mawawala." sabi nya sa akin. Pero hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.
"Bakit ba umiiyak ka?" tanong nya.
"Wala... na-miss lang kita." sagot ko.
Humigpit ang yakap nya sa akin. "Tara na?"
Kinuha nya ang kamay ko at naglakad kami.
"Nasaan ang kotse mo?" tanong ko. 
"Hiniram ni Papa. nasira kasi kotse nya. Ok lang ba na maglalakad lang tayo?" 
Nginitiian ko sya. Naglakad kami sa palabas ng school na magka-hawak kamay. Hindi inaalintana ang mga taong nakapaligid sa amin. 
"Birthday ni Alfred... niyaya nya ako kanina sa Denny's. Gusto mo bang pumunta?" tanong nya.
"WAG!" 
"O? Eh di hindi. Over reacting ka naman." natawa nyang sabi.
"Hindi. hindi naman sa ayaw ko pero... pwede bang sa bahay na lang tayo?" sabi ko sa kanya. 
"O sige. Ikaw ang masusunod, mahal na hari." at inilapit nya ang kamay ko sa labi nya. 
Tahimik kaming naglakad pauwi ng bahay. Lahat ng pangamba ko, unti-unting nawawala. 

**********

Nakatitig lang ako sa mga mata nya. We were lying on our sides. Tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan namin. 
"Anon'ng iniisip mo?" tanong nya.
"Natatakot akong matulog."
"Why?"
"I'm afraid that you might not be here when I wake-up."
"I will never go away. I will always be here." 
"You promise?"
"Pangako ko." At muli nya akong niyakap ng mahigpit. At hindi sya bumitaw hanggang nakatulog ako.

**********

Nagising akong nakayakap ng sa akin si Anthony. 
"Gising ka na ba?" tanong nya.
"Medyo. Kanina ka pa ba gising?"
"Oo. Nagugutom na nga ako eh."
"Anong oras na ba?"
"8:30 na."
"Baba na tayo?"
"Dito muna tayo. Gusto pa kita kayakap." at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Sana ganito na lang tayo palagi." sabi ko sa kanya.
"Sana."
"May ibibigay pala ako sa iyo." at bumagon ako. Pumunta sa study table ko at kinuha ang cd.
"Ano yan?" tanong nya nung makabalik ako sa kama.
"Yiruma. 'Di ba sabi mo gawan kita ng kopya?"
"Wow. Thank you." hinalikan nya ako sa noo.
"Meron pa." sabi ko.
"Andami naman. Hindi ko naman birthday." 
"Isa na lang. Yung jacket na hiniram mo dati. Sayo na alng."
"Talaga? Bakit?"
"Wala lang. Mas bagay kasi sayo."
Hinalikan nya akong muli. "Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" tanong nya.
"Saan?"
"Surprise. Basta sana sumama ka."
"May ganon-ganon pa? Sige sama ako. What time?"
"After breakfast."

********

"Anon'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya habang pina-park ang kotse sa parking lot ng school namin. Sabado noon kaya kaunti lang ang mga estudyante sa paligid. Bumaba kami ng kotse at naglakad patungo sa likuran ng gym. 
Kinuha nya ang kamay ko at pinisil ng bahagya. Tahimik sya at parang malalim ang iniisip. 
"Ton? Ano'ng meron?" tanong kong muli sa kanya.
Huminto kami sa paglalakad. 
Tumingin sya sa akin. May lungkot ang mga titig nya.
"Ton?"
"Kailangan mo nang bumalik." sagot nya.
"Ha? Bumalik saan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hinila nya ako at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong nanginginig ang katawan nya. Narinig ko ang mahina nyang pag-hikbi.
"Ton? Ano ba nangyayari?" tanong ko.
"Kahit ayoko pa. Kailangan mo nang bumalik sa panahon mo..."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ton? Ano... alam mo?"
"Ako. Ako ang humiling na makabalik ka sa nakaraan para makasama ka." sagot niya. 
"Ano'ng ibig mong sabihin, Ton?"
"Hiniling ko sa kanya na ibalik ang nakaraan para magkaroon tayo ng pagkakataon. Pero hindi pang-habambuhay. Jason, mahal na mahal kita. Pero malaking kamalian ang magtagal ka pa sa nakaraan. Hindi tama para sa iyo. Kailangang magpatuloy ang buhay mo sa hinaharap."
"Ayoko. Ayokong bumalik sa panahon na wala ka. Ton, 'wag. pakiusap." umiiyak na rin ako. Muli nya akong niyakap ng mahigpit. Ayaw bumitaw. 
"Ayoko rin sana. Pero mali ito. Nagkaroon na tayo ng pagkakataon, ngayon kailangan mo nang tanggapin na wala na ako." hangos niya.
"Ton, ayoko. Ayoko nang bumalik. 'Wag muna."
"Jason, mahal na mahal kita. Huwag mo akong kakalimutan."
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Natatakot na baka sa isang saglit, mawala sya.
Sa isisp ko, narinig ko ang sinasabi ni Anthony. "Bukas pag-gising mo, wala na ako. I know I promised you that I will never go away. I'm sorry. Maybe this is not the right time for us. Maybe in another lifetime we may find a way to be together. Life is beautiful, Jason. It's just sad I didn't have a long one. But I am very thankful that we had this chance. Even if it was a short one. I want you to live, my love. Live the life that we always dream. Ituloy mo ang mga pangarap natin. At sana, maging masaya ka. I love you. I love you. I love you."

Magkahawak kaming naglakad ni Anthony pabalik ng kotse nya. Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Ramdam kong ayaw pa niyang bumitiw. Iba na rin ang takbo ng hangin. May bigat. Tila pati ang langit, nararamdaman ang lungkot. Ang bawat hakbang ko, pilit kong iginagapang. Hiram na pagkakatao. Hiram na sandali. Ang corny pero yun ang tanging meron kami ni Anthony.


Di kalayuan mula sa kotse, nakarinig kami ng isang sigaw. Pamilyar ang boses na iyon. Sigaw ni Wesley. Isang sigaw na humihingi ng tulong.

"Si Wesley yun ah." sabi ni Anthony. Sabay naming tinakbo ang direksyon ni Wesley. Inabutan namin ang tatlong lalaking pinagtutulungang bugbugin si Wesley. Nagmadaling lumapit si Anthony para tulungan si Wesley. Hinila nya papalayo kay Wesley ang lalaking malapit sa kanya.

"Pare, ano ba problema?" wika ni Anthony.

"Wag ka makialam!" ang sabi ng lalaking hinila ni Anthony.

Lumapit ako sa gulo. Pilit kong binuhat si Wesley. Puno ng dugo ang mukha at bibig nya. Kalunos-lunos ang hitsura. Inilayo ko sya sa mga lalaking gumugulpi sa kanya. Kahit hirap, pinilit kong maisandal sya sa isa sa mga kotseng naka-park. MUla sa kinatatayuan namin naririnig ko ang usapan nila Anthony.

"Malaki ang atraso ng tatay ni Wesley sa tatay ko." sabi nung isang lalaki.

Hindi ko malaman kung sino sa kanila. Hinila ako ni Wesley palapit sa kanya. "Ilayo mo si Anthony... baka madamay..."

Hindi ko namalayang nagkakainitan na sila. Tumataas na ang mga boses nila. Tumayo ako at mabilis na lumapit s akanila. Pero bago pa ako makalapit sa kanila, nakita ko ang isa sa kanila na naglabas ng kutsilyo.

"TON!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.

Nakaramdam ako ng hapdi sa tagiliran ko. Isang malalim na sakit na tumatagos sa laman at gumuguhit sa aking mga ugat. Napayakap ako kay Anthony. Naririnig kong tinatawag nya ang pangalan ko pero parang naggagaling sa malayo ang tinig nya. Pilit kong binuksan ang mga mata ko. Kita ko sa mukha ni Anthony ang pag-aalala. Ang pagmamahal. Ang mukha nya ang huling nakita ko bago magdilim ang lahat.


**********
Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang mukha nya. Ang kanyang maamong mukha. Ang mga nagungusap nyang mga mata. Ang mapupula nyang mga labi. Parang isang panaginip na paulit-ulit. Hindi kaya isang panaginip lamang sya? O isang matamis na alaala na patuloy na nagbabalik? Matagal na panahon na ang nakakaraan. Pero nakatatak pa rin sya sa isip ko. Sa puso ko. At sa buong
pagkatao ko.

Lumapit si Migs sa akin. Tinapik ako sa balikat. "Malalim na naman ang iniisip mo. Inaalala mo na naman sya ano?" tanong nya sa akin.

Nangiti lang ako sa tanong nya. "Hindi ko talaga sya makalimutan eh." sagot ko sa kanya.

Kinuha niya ang kamay ko. Pinisil ng marahan at tumingin sa akin diretso sa mga mata ko. "sana, matutunan mong kalimutan sya at ituon mo na lang sa iba ang atensyon mo." malumanay nyang sabi. Pinisil ko rin ang kamay nya. Pinisil ng mahigpit hanggang mangiwi ang mukha nya sa sakit.

"Aray, pare ansakit nun ah!" sigaw nya.
"Puro ka kasi kagaguhan eh." sagot ko sa kanya. "Mabuti pa, mag-inventory ka na
sa loob. Tingnan mo baka wala na tayong non-fat, Sabado bukas walang delivery.
"Natawag ko na kanina pa." sagot niya.

Medyo mabagal ang pasok ng mga customers. Tahimik ang coffeeshop. At the moment, lima lang ang nasa loob. Dalawang taon na nung buksan namin ni Migs ang Momento. So far nakaka-survive naman sya. Malapit kasi sa school at offices. May mga panahong mabagal ang pasok ng mga customers. Tulad ng araw na ito.

Bumukas ang pinto ng cafe. May lalaking pumasok. Yung isa, gwapo. Matangos ang ilong. Mapungay ang mga mata. Pwede mag-artista.

"Ton?" bati nya sa akin.
Hindi ko nakilala... Si Wesley pala. Pero ang laki ng ipinagbago ng hitsura nya. "Wesley? Wow! Wesley ikaw na ba yan? Kelan ka pa bumalik ng Pinas?" lumabas ako ng counter para yakapin sya.
"Last week pa. Dito na ako for good." sagot nya.

"Ayaw mo na sa Canada ha?"
"Oo. Malungkot don. Ikaw? Mukhang bigtime coffee king ka na ha?"
"Hindi naman. Mg-isa mo lang?"
"No, may kasama ako. Padating na sya nag-park lang."

Saktong bumukas ang pinto. Isang lalaki ang pumasok. Hindi ko makita ang mukha dahil naka-yuko ito att parang may hinahanap na kung ano sa bag nya. nakasuot ito ng isang magandang jacket pero hindi bagay sa kanya.

"Heto na pala sya. Anthony!" tinawag ni Wesley ang kaibigan. Lumakas ang tibok ng puso ko. parang nagiba ang ihip ng hangin. Lumapit siya at nang humarap sa akin, parang ang lahat ng nakaraan ay nagbalik. Bigal ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Whoa! Slow down." sabi niya.

Nang hindi pa rin ako bumubitaw sa pagkakayakap, si Wesley na ang humila sa akin palayo kay Anthony.

"Grabe ka namang maka-welcome, tol." sabi ni Wesley.
"Pasensya na. Na-excite lang ako." napahiya kong sagot. Tumingin ako kay Anthony.
Sa mga mata nya. naghahanap ng recognition.
"Hindi mo ko kilala?" tanong ko s akanya.
"Should I? " sagot nya . Tumingin sya kay Wesley na parang naghahanap din ng
sagot.
"Tol, ok ka lang?" tanong uli ni Wesley sa akin.
Bakit hindi nya ako maalala?
"Uhmmm... sorry. I thought you were someone I knew...." sagot ko.
"Si Anthony, stepbrother ko." sagot ni Wesley.
"Stepbrother mo?"

Iniabot naman ni Anthony ang kamay nya. "Hi. Anthony nga pala. Salamat sa warm
welcome mo." nakangiti nyang sabi.

"Hi. Anthony. Nice jacket..." yun ang nasabi ko dahil s apagkapahiya kanina.
"Thanks. Sabi ni Wes hindi daw bagay sa akin. Ano yung nagpi-play na music? Ang
ganda."
"Si Yiruma. favorite ko yan." sagot ko.
"I love it." sabi nya habang hawak pa rin ang kamay ko.
"I know. I know you do." at nginitian nya ako. Isang ngiti na galing sa isang
matamis na alaala.

**********
Time and space continuoum. The ripple effect kung tawagin nila. Sabi nila hindi mo pwedeng paglaruan ang oras at panahon. Dahil ang bawat gagawin mo ay makakaapekto sa nakararami. Kahit ang isang maliit na desisyon, makakapekto sa takbo ng buhay ng iba. Mapaglaro ang oras. Minsan madamot. Minsan mapagbigay. Pero kung iisipin, yun lang naman talaga ang meron tayo. Oras.

-WAKAS-


Share this article :

+ comments + 1 comments

Anonymous
August 6, 2012 at 6:07 AM

kakaiyak... wait, may question ako?? kamukha lang ba niya si anthony o si anthony siya talaga from an alternate dimension ???

Post a Comment

Blog Contents Disclaimer:

-PhilippineGayOnline Blog do not host or upload any movies and films.Therefore,Philippine Gay Online Blog held no responsibility for the accuracy, compliance, copyright, decency, legality or any other aspect of the contents from third party,link,and source sites.If you have any legal issues for any of the movies and films located in this blog,kindly contact the appropriate host/source sites.Thank you.

-We respect the intellectual property of others,thats why we are not hosting the videos here in our blog.This videos are courtesy of its right/true owner/up-loader.No copyright infringement intended upon the used of this videos.This videos are not hosted on our servers,this are all embedded only.For complaints about this videos,please contact the source site.Upon watching the videos in this site,you should be in the right age(18 years old and above) and you agree with the things stated above.

DISCLAIMER NOTE:
-If you believe that you are the real owner of some of the videos on this blog and you dont want to appear this videos on our blog even though it is just an embedded video only,We will respect your decision,kindly message us on our email add pgo_blog@yahoo.com and we will promptly remove this content.Thank you.

Be One Of Us!Join This Site Now!