ANNOUNCEMENT:

NOTICE TO ALL PGO ADMIN ACCESS MEMBERS:
ADMIN ACCESS MAINTENANCE IS ALREADY FINISH.YOU MAY ABLE TO LOG IN AGAIN ON THE SAID SITE.THANK YOU FOR PATIENTLY WAITING.




ANNOUNCEMENT:WE WILL BE ACCEPTING MEMBERS UNTIL THEIR IS A SLOT LEFT,LAST SLOT LEFT AS OF DECEMBER 8,2016.TXT/VIBER US ON MOBILE NUMBER +639984709012 FOR MUCH FASTER GIVING YOU ASSISTANCE.THANK YOU.WE HAVE 50% DISCOUNT UNTIL DECEMBER 8,2016 IF SLOT IS STILL AVAILABLE.

Featured Post

Featured Uncut Indie Movie:Month of May 2016(Embedded Only) With Free Preview

CLICKHERE  TO WATCH THIS MOVIE Free Preview:

Home » » Ang Mahal Kong Engineer (Complete Story)

Ang Mahal Kong Engineer (Complete Story)



Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.

Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.

Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.

Noon ko nakilala ang engineer ng construction na si Rommel at ang ilang trabahador nito. Noon ko rin naisabi ang aking mga reklamo sa ingay na dulot ng construction. Humingi naman ng paumanhin si Rommel at nangakong pipilitin nilang magtrabaho ng hindi makakaistorbo sa akin. Sa gabi din daw ay titiyakin ni Rommel na di mag-iingay ang kanyang mga trabahador dahil stay-in na rin siya doon sa construction. Nagpasalamat din sila sa akin sa ginawa kong first aid sa isang trabahador. Di na ako nagtagal doon at bumalik na ako sa bahay upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.

Pagbalik ko sa aking higaan ay di na ako dalawin ng antok. Parang di ko makalimutan ang pagiging gentleman ni Rommel. Gwapo si Rommel at magaling pang makipag-usap. Lagi sumasagi sa aking isipan ang paghingi niya ng paumanhin sa akin. Di ko na tuloy ipinagpatuloy ang pagtulog ko sa halip ay kumain na lamang ako. Matapos kumain ay nakinig ako ng musika at ng magsawa naman ako ay nanood ako ng mga dvd movies. Di ko na namalayan ang oras nang biglang magtanong si Manang kung ano ang gusto kong meryenda. Mag-aalaskwatro na pala ng hapon. Nagpahanda ako ng juice at sandwich at pinaakyat ko sa aking silid dahil magsisimula na rin akong mag-aral ng aking lesson.

Pagpanhik ko sa aking silid ay di ko na naririnig ang dating ingay ng construction. Di na tuloy ako nag-aircon at binuksan ko na lamang ang lahat ng mga bintana. Busy pa rin sa kanilang trabaho ang mga tao sa construction ng dumungaw ako sa bintana. Sinimulan ko ang pagbabasa ng aking aklat. Makalipas ang isang oras ay nakarinig ako ng mahinang tawanan at pagbuhos ng tubig. Tumigil ako sa aking pagbabasa at sumilip muli sa bintana at hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan ng ingay. Noon ko nakita si Rommel at ang ilan niyang tauhan na naliligo sa isang sulok kung saan naroroon ang ilang drum ng tubig.

Nakatakaw pansin sa akin silang lahat dahil pawang naka-brief lamang sila. Si Rommel pa ay nakabikini brief lamang na parang maliit na sa kanya. Kaya naman hapit na hapit sa kanyang harapan at halatang halata ang kanyang alaga. Ang mga kasamahan naman niyang naliligo din ay merong de color na brief, may luma at manipis na at may maluluwag na ang garter. Halos mahubuan na nga ang ilan sa kanila. Subalit balewala pa rin ito sa kanila at tuwang tuwa pa sila sa kanilang paliligo.

Napansin pala ako ni Rommel na nakadungaw sa bintana kaya naman tinawag niya ang pangalan ko. Di ako nagpahalata ng matagal ko na silang pinagmamasdan at biniro ko na lang sila na ang sarap yata ng tubig na pinanliligo nila. Kahit nakabrief pa rin si Rommel ay lumapit siya sa tapat na aking bintana at lalo ko namang napansin ang matipuno nitong katawan at ang malaking nakabukol sa kanyang harapan. Dahil sa liit ng bikini brief niya ay lumuluwa na ang ilang buhok sa taas ng kanyang brief. Nagpaumanhin muli si Rommel sa akin. Baka daw kasi naiingayan muli ako sa kanilang tawanan habang naliligo.

“Okey lang yun” ang naging tugon ko kay Rommel at nagbalik muli ako sa study table ko upang tapusin ang aking binabasa.

Matapos naming mag-usap ni Rommel ay hindi na ako nakapag-concentrate sa aking binabasa. Naging laman na naman ng aking isipan si Rommel at ang kanyang itsura habang naliligo. Ewan ko ba pero may kakaibang sensation akong nararamdam tuwing maalala ko ang ayos na iyon ni Rommel. Maganda ang katawan. Mukhang may malaking kargada at may matambok na puwet at higit sa lahat lalakeng lalake siyang pagmasdan. Sa halip na ituloy ko ang pagbabasa ay gumayak na lamang ako upang pumasok sa panggabi kong klase.

Matapos ang klase ko ay nagduty naman ako sa hospital. Ganoon pa rin ako na parang wala sa sarili sa bawat gawin ko. Mabuti na lamang at wala gaanong pasyente sa hospital simula hating-gabi hanggang sa umuwi ako kinabukasan. As usual, pagdating ko sa bahay ay kumain lang ako ng kaunti, naligo at natulog na. Kahit na siguro maingay sa construction site ay di ko na naramdaman kasi halos magdidilim na ng magising ako. Ipinaghanda ako ni Manang ng dinner at ng matapos ako kumain ay nagpahangin ako sa labas. Sabado noon kaya wala akong klase o duty sa hospital.

Lumabas ako ng gate at nagsimulang humakbang papalayo sa aming bahay. Nang tumapat ako sa ginagawang bahay ay binati ako ni Rommel na di ko napansin na nakaupo pala sa kabilang sidewalk at nakatanaw sa kanyang ginagawang bahay. Nakashorts at naksando lamang siya habang naninigarilyong nag-iisa.

“Saan ka pupunta?” ang tanong niya sa akin.

“Wala lang. Naglalakad-lakad lamang ako upang magpahangin. Kagigising ko lang kasi at wala naman akong magawa sa bahay” ang sagot ko naman sa kanya.

“Kung gusto mo ay sasamahan kita” ang paanyaya naman ni Rommel.

“Walang problema sa akin. Mabuti nga iyon at may kasama ako sa paglalakad” ang tugon ko naman sa kanya.

Nagsimula naming tahakin ang daan patungo sa park ng subdivision. Nagsimula rin akong magtanong-tanong kay Rommel ng mga bagay-bagay sa kanyang buhay. Di naman siya nahiya na ilahad sa akin ang ilang detalye sa kanyang buhay. Sa isang probinsya sa norte siya galing. Nang matapos ng engineering ay lumuwas siya ng Maynila upang magtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay. Pinilit siyang pinagtapos ng kanyang magulang na parehong magsasaka lamang. Nang makatapos siya ay tumulong naman siyang pag-aralin ang mga nakababatang kapatid. Dalawang babae ang sumunod sa kanya na parehong pinakuha niya ng kusong nurse sa pangarap niya na sila ang makakapagpatawid sa kanilang kahirapan kapag nakapag-abroad ang mga ito. Subalit di pa man natatapos ng kursong nursing ay nagsipag-asawa kaagad. Ang masakit pa doon ay wala ring tinapos na kurso ang mga naging asawa ng dalawa. Ang bunso naman nila ay lalaki. Pero di pa man nakakatungtong ng kolehiyo ay namatay naman. Tanging mga magulang na lamang niya ang kanyang sinusustentuhan para hindi na sila magsaka.

Nasa late twenties na si Rommel at halos siyam na taon na siya sa Maynila na nagtatrabaho. Dati nangungupahan siya ng kwarto pero ng mapasok siya sa kumpanya niya sa kasalukuyan ay sa mismong project site na rin siya nakikituluyan para makatipid siya tutal halos linggo-linggo ay umuuwi naman siya sa probinsya nila. Noong Sabadong iyon lamang ang di niya pag-uwi dahil sa nagpunta naman ang kanyang mga magulang sa kanyang babaeng kapatid sa kalapit na probinsya at mananatili muna sila doon ng ilang linggo dahil kapapanganak lamang ng kanyang kapatid.

Di naman siya nag-usisa ng detalye ng aking buhay pero ipinaalam ko pa rin ang ilan para naman makilala din niya ako kahit papaano. Kahit medyo madrama ang kwento niya sa akin ay maaliwalas pa rin ang kanyang mukha habang nagkwekwento. Umupo pa kami sa isang concrete bench sa park at ng may dumaang balot ay inalok niya ako nito. Di ko nakagawiang magdala ng wallet kung doon lamang ako sa loob ng subdivision namamasyal kaya syempre siya ang nagbayad. Sa kinalaunan ng aming kwentuhan ay nagkapalagayan kami ng loob.

Siguro akala niya na close na kami talaga ay bigla na lamang siyang umakbay sa akin at nagdikit talaga ang aming mga tagiliran. Para akong nakuryente ng gawin niya iyon kaya tinulak ko siya papalayo sa akin.

“Oh, bakit naman?” ang bigla niyang naitanong sa akin.

“Baka mapagkamalan tayo sa ginagawa mo” ang sagot ko naman sa kanya.

“Pareho naman tayong lalaki kaya wag mong masamain ang pag-akbay ko sa iyo” ang paliwanag ni Rommel.

“Basta, di ako sanay ng may nakaakbay sa akin” ang sagot ko naman sa kanya.

“Kahit kaibigan mo bang lalaki di ka inaakbayan?” ang pag-usisa niyang muli sa akin.

“Inaakbayan naman. Kaya lang….” di ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla na naman niya akong inakbayan ng mahigpit na parang niyayakap na niya ako.

Di na ako nanlaban sa kanya at pinabayaan ko na lamang siyang nakaakbay sa akin. Bigla na naman siyang nagtanong na “Nakita mo ba ang gusto mong makita ng dumungaw ka sa bintana ng silid mo at natanaw mo kaming naliligo.”

“Ah….eh…. wala napadungaw lang ako noon. At sandali lang iyon” ang naisagot ko lamang kay Rommel. “Ah ganoon ba. Baka kasi meron, eh, walang kaso sa akin iyon” ang biglang nasabi ni Rommel. Di na ako muling nakasagot kay Rommel. Pero muli niyang inulit na “Walang problema sa akin iyon.” Sabay kuha ng isa kong kamay at ipinatong niya sa kanyang harapan.

Nagulat ako ng gawin niya iyon. Subalit para akong naging sunud-sunuran na lamang sa kanya sa mga oras na iyon. Habang ikinikiskis niya ang aking palad sa kanyang harapan ay naramdaman ko na unti-unting nabubuhay ang kanyang alaga.

“Dito ka nakatitig kahapon, di ba?” ang tanong na naman niya sa akin na hindi ko pa rin sinagot.

“Baka kinakabahan ka dito sa pwesto natin dahil medyo maliwanag. Tara doon sa banda roon at walang makakapansin sa atin” ang bulong sa akin ni Rommel.

Tumayo kami at tinungo nga namin ang lugar na itinuro ni Rommel. Walang upuan doon pero may pader at may malalagong halaman. Pagsandal ni Rommel sa pader ay hinatak niya ako at niyakap sabay halik sa aking mga labi. First time ko makipaghalikan sa kapwa lalaki pero nagustuhan ko ang ginawa ni Rommel sa akin. Habang naghahalikan kami ay ipinasok ko naman ang aking kamay sa loob ng kanyang shorts at naramdaman ko na mukhang masikip na naman ang suot niya brief dahil medyo naiipit ang kamay ko ng garter nito.

Natigilan si Rommel sa paghalik sa akin at natawa “Pasensya ka na at mahilig ako sa masisikip na brief. Para kasing wala akong brief kapag di ito hapit sa aking alaga at bayag. Ha ha ha…”

Napatawa na rin ako sa kanya sabay sabing “Baka kung anong mangyari dyan kapag di nakakadaloy ng husto ang dugo.”

Magtatawanan pa sana kami ng malakas ng mapansin namin ang isang guard na papasok sa gate ng park. Kami lang ni Rommel ang tao doon sa mga oras na iyon kaya tiyak magdududa iyon kung makikita niya kami sa dilim. Kaya naman dali-dali kaming umupo sa pinakamalapit na upuan habang sa iba nakamasid ang guard.

“May tao pa pala dito” ang nasabi ng guard ng mapansin niya kami.

“Boss chief, nagpapahangin lang kami dito. Ila-lock na ba ninyo ang gate?” ang tanong ko naman sa guard.

“Opo, sir. 11PM na rin po kasi” ang tugon naman ng guard.

“Sige, boss, lalabas na lang kami” ang sabi ko naman sa guard.

Naglakad kami muli papauwi at nang nasa tapat na kami ng aming bahay ay bigla na naman bumulong si Rommel na “Nabitin ako kanina. Walang hiyang guard iyon. Wrong timing pa.”

“Ha ha ha. . . ang libog mo pala” ang biro ko kay Rommel.

“Tara sa loob ng walang istorbo” ang pahabol kong sinabi.

Pinagbuksan kami ni Manong ng gate at dumeresto na kami sa kwarto ko.

“Sandali lang at maliligo pa ako. Di pa ako nakaligo mula ng magising ako kanina” ang paalam ko kay Rommel.

“Di na kita sasabayan sa paligo kasi kaliligo ka rin lang ng makita mo ako kanina” ang tugon naman ni Rommel.

Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na si Rommel sa kama at ang kalahati ng katawan ay nasa loob na ng kumot. Mukhang wala na siyang natitirang saplot dahil napansin ko ang kanyang mga damit sa isang upuan. Pinunasan ko hanggang medyo matuyo ang aking buhok bago ako tumabi kay Rommel. Humiga na rin ako sa tabi niya na walang saplot ang katawan.

“First time ko ito Rommel kaya di ko alam ang gagawin” ang pauna ko kay Rommel.

“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo” ang sagot naman niya.

Muli ay naglapat ang aming mga labi. Sumunod ang aming mga katawan at noon ko naramdaman ang naghuhumindik na alaga ni Rommel na tila tumutusok din sa aking alaga. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin sa oras na iyon. Subalit parang merong bumubulong sa akin na nagbibigay ng instructions kung ano pa ang dapat gawin. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lamang ay subo-subo ko na ang tigas na tigas na alaga ni Rommel. Di rin nagtagal at sumabog ang katas mula sa pinakabutas nito. Medyo nakatikim ako ng kaunti pero kinuha ko ang ginamit kong twalya upang punasan ang aking bibig at ang alaga ni Rommel.

“Okey ka lang ba?” ang naitanong sa aking ni Rommel.

“Halika dito at ikaw naman ang magpalabas” dugtong pa niya.

Di naman niya sinubo ang aking alaga sa halip ay sinalsal na lamang niya ito hanggang sa ako ay labasan na din.

“Tara magbanlaw tayo sa banyo” ang paanyaya ni Rommel.

Pumasok kaming dalawa sa banyo at sinabon namin ang aming mga alaga. Muli ay nahiga kaming magkatabi sa kami. Habang nagkwekwentuhan ay himas himas ko ang alaga ni Rommel.

“Huwag ka mag-alala, sa iyo lang iyan simula ngayon” ang biro ni Rommel sa akin.

“Ha ha ha. . . patawa sya” ang naging tugon ko naman sa kanya.

Nakatulog kaming hubo’t hubad kaya naman ng kumatok si Manang upang yayain na akong mag-almusal ay para kaming si Superman sa bilis sa pagsuot muli ng aming mga saplot. Pagkakain namin ng almusal ay nagpaalam na si Rommel pero ibinigay muna niya sa aking ang kanyang cellphone number at ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya. Kinahapunan ay biglang nagtext si Rommel na nagtatanong kung may lakad daw ako. Nang sabihin kong wala ay nagyaya siyang manood ng sine dahil matagal na rin siyang hindi nakakapanood. Dala ang aking kotse ay pumunta kami sa pinakamalapit na mall. Noon ko tuluyang nakilala si Rommel na isang tunay na gentleman. Para akong isang baldado na inaalalayan sa lahat ng aking kilos at laging nagtatanong kung okey lang ako.

Sa loob ng sinehan ay nagulat ako ng sabihin ni Rommel na “I love you.” Na ikinagulat ko naman dahil talagang wala akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. Sa babae ay nakailan na rin akong relasyon. Pero sa tulad ni Rommel ay wala pa talaga at hindi ko rin naisip na meron din palang ganitong relationship.

“Oh anong sagot mo, naghihintay ako” ang muling tanong ni Rommel na di ko alam kung ano ang isasagot.

“Ikaw talaga, matapos mo maangkin ang katawan ko ay ganyan ka na” ang biro ni Rommel.

“Ok, sige na nga, I love you na rin” ang bigla kong naisagot kay Rommel.

“Eh bakit merong na rin” ang dugtong naman ni Rommel.

“Ok, I love you lang” ang sagot ko muli sa kanya.

“Eh bakit may lang” ang biro muli ni Rommel.

“I love you Rommel” ang ibinulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi.

Buti na lang at kakaunti ang mga nanonood kasi medyo kinabahan ako baka may nakakita sa paghalik ko kay Rommel. Wala naman siguro kasi malayo sa aming upuan ang ibang nanonood. Nang matapos ang palabas ay naglibot pa kami sa mall. Nang pumasok kami sa department store ay pinilit kong bilhan ng mga bagong brief si Rommel. Kahit anong pagtanggi ni Rommel ay pinilit ko pa rin siyang bilhan. Ipinilit nyang bilhin ang size na gusto niya. Pero napilit ko rin siya ng medyo mas malaki doon. Natawa pa sa amin ang sales lady ng pinilit kong ipasukat kay Rommel ang napili kong size dahil ipinagpipilitan niyang maluwag iyon sa kanya. Lalo pang natawa ang sales lady ng pinapasok ako ni Rommel sa fitting room upang tignan kung okey na. Dahil naman binuksan niya ng husto ang pinto at nakita tuloy siya ng sales lady ng tanging brief at t-shirt lamang ang suot.

Pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto.

“Yan ang bagay sa iyo ng hindi maipit ang hindi dapat maipit” ang biro ko kay Rommel.

Umupo ako upuan sa loob ng fitting room at nagmasid ako sa paligid kung may camera. Nang matiyak kong wala ay hinatak ko si Rommel papalapit sa akin habang hinuhubad niya ang sinusukat ng brief. Sabay subo sa kanyang tulog na alaga.

“Wag dito” ang bulong ni Rommel sa akin.

“Sandali lang at trip ko lang” ang sagot ko naman sa kanya.

Sa ilang segundo ko ring pagsubo sa ari ni Rommel ay tumigas iyon. Pagkatigas nito ay bigla ko ring iniluwa Kaya naman ng isuot niya ay luma niyang brief ay halos di magkasya na matakpan ang kanyang alaga.

“Ayan ang sinasabi ko sa iyo. Kaya dapat itong size ang ginagamit mo na” ang paliwanag ko kay Rommel.

“O sige panalo ka na” ang tila pagsuko sa aking ni Rommel.

Bago kami umuwi ay kumain muna kami ng dinner. Masaya muli ang aming naging kwentuhan.

“Bakit mo ba ako pinilit na palitan ang size ng brief ko?” ang tanong sa akin ni Rommel.

“Sobrang sikip kasi ng mga sinusuot mo at baka nasasaktan si manoy mo” ang tugon ko naman.

“Eh, mas comfortable ako kasi sa ganoon. Kapag maluwag ang suot ko ay parang wala rin akong suot” ang paliwanag naman ni Rommel.

“Actually, kaya gusto kong medyo maluwag ang suot mo ay para madali kong maipasok ang kamay ko” ang biro ko kay Rommel sabay tawa.

“Ah ganoon. Sabi ko naman, sa iyo lang ito” ang nasabi ni Rommel sabay kiliti sa aking tagilirinan.

Para kaming mga teenager na naghaharutan sa restaurant kaya naman nakatawag ito ng pansin ng iba pang kumakain sa restaurant. Bigla na lang kaming napatahimik at pilit pinigil ang aming pagtawa. Tinapos na namin agad ang aming pagkain at umuwi na kaming masayang-masaya.

Sa bahay namin muli natulog si Rommel at tulad ng unang gabing natulog sa kwarto ko si Rommel ay naulit mulit ang aming pagtatalik. Simula noon ay doon ko na lang sa amin pinatira si Rommel. At para hindi naman makahalata si Manag at si Manong ay pinaayos ko ang isang silid sa tabi ng aking silid at sinabi ko na lamang sa kanila na uupahan muna ni Rommel ang silid habang ginagawa ang bahay sa tabi namin. Ganoon din ang paalam ni Rommel sa kanyang mga tauhan. Naging masaya ang aming relasyon ni Rommel habang ginagawa ang bahay sa tabi namin. Subalit isang umaga, pag-uwi ko sa bahay galing sa hospital ay naabutan kong umiiyak si Manang. Nang aking tanungin ay sinabi niyang nanakawan daw kami at yung kwarto nina Mama at Papa ang pinasok at tinangay ang mga alahas sa isang tokador.

Ilang deacada na rin kami nakatira sa subdivision na iyon at yun ang first time na mangyari sa amin iyon. Kaya naman naghinala si Manong at Manang na si Rommel ang malamang may kinalaman sa nakawan. Ayaw kong paniwalaan sila dahil kahit sa sandaling panahon pa lang kami nagkakakilala ni Rommel ay alam ko na di niya magagawa iyon. Natigil lamang ang usapan namin nina Manang at Manong ng may mag-door bell. Si Rommel pala ang nasa gate. Pagpasok ni Rommel sa bahay ay nag-usisa na rin siya kung bakit umiiyak si Manang. Pero sa halip na sagutin ni Manang iyon ay isang bintang kaagad ang isinumbat niya kay Rommel. Laking pagtataka ang nailahad ng mukha ni Rommel.

“Hindi ko po magagawa iyan” ang pagtatanggol ni Rommel sa sarili.

“Rommel wala kasi ako kagabi dito at ikaw lang malayang nakakapasok dito sa bahay. Kaya . . . “di ko pa natatapos ang aking sinasabi at biglang sumumbat si Rommel. “Pati ba naman ikaw pinagbibintangan mo na ako. Ganoon ba ang tingin nyo sa akin?”

“Di naman sa ganoon Rommel, kaya lang ngayon pa lang nangyari ito sa bahay” ang paliwanag ko naman sa kanya.

Di na nakipagtalo si Rommel sa amin at pabalagbag niyang nilisan ang aming bahay. Tumawag naman ako ng pulis upang maimbestigahan ang pangyayari. Habang naghihintay kami sa mga pulis ay dinig na dinig ko na pinagagalitan niya ang kanyang mga trabahador at pilit pinaaamin kung may nakita silang pumasok sa aming aming bahay kagabi. Magkahalong kaba at awa ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon. Mukhang nagkamali kami sa pagbintang kay Rommel. Sa tono kasi ng mga salita ni Rommel sa kanyang tauhan ay parang gusto na niyang patayin kung sino man ang gumawa noon.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang mga pulis. Sa kanilang pag-iimbestiga ay napag-alaman namin sa sa pintuan na balconahe ng silid nina Mama at Papa dumaan ang magnanakaw. Kinahuan din nila ng finger prints ang tokador at ang ilang kasangkapan sa silid na maaaring nahawakan ng magnanakaw. Matapos ang ilang oras na imbestigasyon ng pulis ay umalis na din sila. Gulong gulo ang aking isipan sa mga oras na iyon. Nais ko sanang kausapin muli si Rommel subalit ng puntahan ko siya sa ginagawang bahay ay umalis lang daw siya sandali. Nang tawagan ko siya sa cellphone ay di naman niya ito sinasagot. Lalo akong di napalagay hanggang kinagabihan.
Talagang inabangan ko ang pagdating ni Rommel at naghintay ako sa aming hardin. Hating gabi na ng dumating si Rommel. Agad kong tinawag ang kanyang pangalan pero binalewala lamang niya iyon at tinungo ang ginagawang bahay. Subalit hinabol ko siya at pilit kinausap. Alam ko na mukhang naparami ang nainom na alak ni Rommel pero gusto ko pa ring magpaliwanag sa kanya.

“Pwede ba, wag mo na akong kakausapin. Tapos na sa atin ang lahat” ang panunumbat sa akin ni Rommel.

“Please Rommel, mag-usap naman tayo” ang makaawa ko sa kanya.

Sa mga oras na iyon at alam ko na mas malakas ako kay Rommel dala ng kanyang kalasingan kaya pilit ko siyang inilayo sa harap ng ginagawang bahay upang walang makarinig kung ano man ang pag-usapan namin.

“Rommel naman. Dito tayo mag-usap ng hind mabulabog ang mga natutulog diyan” ang hiniling ko kay Rommel.

Di naman nagpumiglas si Rommel at nailayo ko siya doon. Naupo kami sa sidewalk at doon nagsimulang maglabas ng sama ng loob si Rommel.

“Akala ko nakakita na ako ng isang kaibigan na magmamahal sa akin kahit sino pa man ako” ang hinaing ni Rommel.

“Huwag ka naman ganyan, Rommel” ang sabi ko naman.

“Pagpasensyahan mo na lang kami sa bahay kung ganoon agad ang tinakbo ng isip namin” ang dugtong ko pa.

“Sex lang naman yata ang habol mo sa akin. Heto na, heto lang ba ang gusto mo sa akin?” ang muling panunumbat ni Rommel sabay bukas sa zipper ng kanyang pantalon at pilit inilalabas ang kanyang alaga.

“Hindi Rommel, mahal na mahal kita. Marami na rin akong naging girl friends. Pero ikaw pa lang ang nagpakita ng ibang klaseng pagmamahal sa akin” ang paliwanag ko kay Rommel.

“Bakit mo ba ako minahal, Rommel?” ang dugtong na tanong ko kay Rommel.

Lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rommel sa aking tanong. Huminga siya ng malalim at nagsimulang magsalaysay muli ng kanyang nakaraan.

Kilalang chick-boy si Rommel noon sa kolehiyong kanyang pinapasukan. Bukod sa gwapo na ay matalino pa dahil scholar siya doon. Varsity player din siya ng basketball. Kaya naman isang campus figure talaga siya. Subalit ng nasa 5th year na siya ay tinamaan talaga siya ni cupido at na-in-love sa isang schoolmate niya. Di rin nagtagal ang panliligaw niya dito at sinagot din siya. Anak pala ito ng isang mayamang politiko sa kanilang probinsya. Naging mapusok ang dalawa na humantong sa pagdadalang-tao ng girl friend niya. Nang malaman ito ng mga mgaulang ng babae ay ipinaglayo sila. Maimpluwensya ang ama ng babae at napaalis ng eskwelahan si Rommel. Graduating na siya noon kaya pinilit niyang lumipat ng school at tapusing ang kanyang kurso. Di kaya ng kanyang mga magulang ng tustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan kaya naghanap siya ng mapagkakakitaan.

Nakakilala siya noon ng isang mayamang bading na nag-alok sa kanya na magpapaaral sa kanya. Kumapit siya sa patalim upang makatapos na siya. Tutal isang semester na lamang. Nagpasasa sa katawan ni Rommel ang bading na iyon. Walang araw yata na hindi siya ginamit ng bading na iyon. Diring diri si Rommel sa ginagawa sa kanya ng bading na iyon. Okey na sana kay Rommel iyon subalit makalipas ang dalawang buwan ng pagsasama niya ay nag-iimbita na ang bading na iyon ng iba pang kaibigan nito sa bahay na tinutuluyan nila. Ang masama pa ay pilit na pinapagamit si Rommel sa mga kaibigan nito. Nakisama lang si Rommel sa nais ng bading na iyon dahil alam naman niya na kaunting pagtitiis lang at makakapagtapos na siya.

Nang makapagtapos na si Rommel ay agad niyang hiniwalayan ang kinakasamang bading. Sumugod agad siya sa Maynila upang magtrabaho at upang makalimutan ang pinagdaanan niya. Maabilidan naman si Rommel kaya agad itong natanggap sa trabaho. Naging matipid si Rommel kaya naman nakatulong na siya sa pagpapaaral ng mga kapatid. Simula ng magtrabaho si Rommel sa Maynila at tila ayaw na niyang umuwi sa kanilang probinsya. Tila ayaw na niyang balikan ang kanyang nakaraan. Subalit dahil mahal na mahal niya yung babaeng nabuntis niya at di rin siya nakatiis at ipinagtanong ang kalagayan nito at ng bata. Lalong sumama ang loob ni Rommel ng malaman na nasa US na pala ang babae at nagpakasal na rin sa ibang lalake. At ang pinakamasaklap pa ay ipinalaglag daw ng babae yung kanilang anak.

Ipinagtapat din niya sa akin na ang bunso nilang kapatid ay hindi namatay kundi nagpakamatay ito. Buhat kasi ng malaman nila na isa din itong bading ay naging malupit siya dito pati na rin ang kanyang ama. Sa tuwing uuwi ng bahay si Rommel ay lagi niya itong nabubugbog. Ganoon din naman ang ginagawa ng kanyang tatay. Pilit nilang pinapagbago ang kanyang busong kapatid. Minsan nga ay muntik na niya itong mapatay ng silipan siya nito habang naliligo. Tanging sawali lamang kasi ang tabing ng kanilang palikuran at sa tuwing maliligo si Rommel ay hubo’t hubad siya. Madikit ka lang sa tabing nito ay tiyak na masisilipan mo ang naliligo dito. Pero ang higit na marahas na ginawa ni Rommel ay ang hindi nito pagpayag na mag-aral sa kolehyo ang kanyang bunsong kapatid habang hindi ito nagbabago.

Simula noon ay naging depress ang kanyang bunsong kapatid. Kahit isinusubsob ang sarili sa gawaing bahay ay bakas na bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mukha at pangangatawan. Hanggang sa isang araw na madatnan na lamang ng kanyang magulang ang kanyang bunsong kapatid na isa ng malamig na bangkay hawak sa kaliwang kamay ang isang liham at sa kanan naman ay isang basyong bote ng insecticide. Ikinagulat ng buong mag-anak ang ginawa ng pinakabatang miyembro ng pamilya.

Halos di mapigilan ni Rommel ang pag-tulo ng kanyang luha sa paglalahad niya ng kanyang nakaraan.

“Alam mo kung bakit kita minahal, ayaw kong matulad ka sa bunso kong kapatid” ang naging sagot sa akin ni Rommel sa aking katanungan kung bakit niya ako minamahal.

“Nakita ko sa iyo ang aking bunsong kapatid noong una pa man kitang makita. Alam ko na tulad mo rin siya na naghahanap ng magmamahal sa kanya kahit ano pa man siya” ang dugtong pa ni Rommel.

Wala akong naisagot kay Rommel sa halip ay tumulo na rin ang mga luha sa aking mga mata. Nang magpaalam siya sa akin ay di ko na rin siya napigilan. Tumayo siya at humakbang papalayo sa akin habang pinagmamasdan ng luhaan kong mga mata ang kanyang paglayo sa aking kinauupuan.

Ilang araw din kaming di nagkita at nag-usap ni Rommel. Nakapag-usap lamang kaming muli ng bumalik sa amin ang mga pulis at hulihin ang isang trabahador ni Rommel. Umamin din naman ang trabahaor na ito na siya ang nagnakaw ng mga alahas. May criminal record na rin pala ito sa pulisya kaya madali nilang nalaman kung sino ang may kagagawan. Lingid sa kaalaman ko na si Rommel mismo ang nakipagtulungan sa pulisya upang mapabilis ang paglutas ng kaso.

Humingi ako ng tawad kay Rommel at agad naman niya itong tinanggap. Pati si Manang ay humingi din ng tawad sa kanya. Naghanda pa si Manang noon ng masasarap na pagkain ng muling bumalik sa aming bahay si Rommel. Tila isang fiesta ang handaan at imbitado pa ang lahat ng trabahador ni Rommel. Naging masaya kaming muli ni Rommel subalit ng makalipas ng limang buwan at natapos na ang bahay na ginagawa ni Rommel ay nagpaalam na siya na di na muna siya doon matutulog gabi-gabi pero pipilitin pa rin niyang madalaw ako kahit tuwing weekends. Medyo malayo kasi sa aming subdivision ang bagong project ni Rommel.

Lubos na sana ang kaligayan namin ni Rommel subalit isang araw ay nabigla kami sa pagdating ng aking mga magulang mula US. Nabalitaan daw nila sa isang kamag-anak namin na minsang bumisita sa bahay na meron daw akong lalaking pinatitira doon. Buti na lamang at wala sa bahay si Rommel. Subalit naging mabigat ang mga ibedensya ng makita nila ang ilang damit ni Rommel sa mismong kabinet ko. Wala akong magawa kundi ang aminin ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Rommel. Isang suntok sa mukha ang ibinigay sa akin ni Papa at napahagulgol naman sa iyak si Mama. Napansin ko rin na pati si Manang ay napaiyak. Nang umasta muli si Papa upang suntukin ako ay bigla akong niyakap ni Manang.

“Sir, Mam, tama na po, pakiusap po, tama na po” ang pakiusap ni Manang habang mabhigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.

“Matagal ko na pong napansin ang ibang pagtitinginan ng dalawa. Ako nga po sana ang magsasabi sa inyo ng tungkol sa kanila. Subalit nakita ko po na maligaya ang inyong anak sa piling ng lalaking iyon. At napatunayan ko rin na malinis din ang hangarin ng lalaking iyon sa inyong anak. Kaya po, Mam, Sir, pagalitan nyo rin po ako” ang paliwanag ni Manang.

Nanahimik ang lahat sa mga salitang binitawan ni Manang. Ako naman ay pumasok sa aking silid upang makaiwas sa kung ano pang diskusyon. Di ako lumabas ng aking silid hanggang sa katukin ang pinto ni Manang.

“Umalis muna ang mga magulang mo. Sa hotel daw muna sila matutulog ngayong gabi” ipinaalam sa akin ni Manang.

“Halika na iho, kain ka na” ang paanyaya ni Manang sa akin.

“Wala akong ganang kumain Manang” ang tugon ko naman sa kanya.

“Basta pagnagutom ka tawagin mo lang ako ha at iinitin ko ang pagkain mo” ang nasabi ni Manang bago niya ako iniwan.

Walang kaalam-alam si Rommel sa nangyari subalit pinilit pa rin niyang makauwi sa bahay upang makilala niya ang aking mga magulang. Halos hating gabi na ng dumating siya. Habang kumakain kami ay naikwento ko ang mga pangyayari kay Rommel. Si Manang naman na gising pa rin sa mga oras na iyon ay nakisalo sa aming usapan. Laking gulat ni Rommel ng malaman niyang alam na pala ni Manang ang tungkol sa amin simula ng lumipat si Rommel sa bahay namin. Bago kami natulog ay nagdesisyon si Rommel na bukas na bukas din ay pupuntahan naming ang aking mga magulang.

Matapos ang aming umagahan ay nagtungo kami sa hotel na tinutuluyan nina Mama at Papa. Parang pinaghahandaan na pala nila ang aming pagdating. Pero wala pa rin kaming imikan ng makapasok kami sa silid nina Mama at Papa. Tila walang gustong magsalita sa aming apat.

Subalit naglakas loob si Rommel na magsalita na “Mawalang galang na po, ako po si Rommel, yung kaibigan na anak nyo. Alam ko po na magtataka kayo kung bakit po pumasok ang anak ninyo sa ganoong relasyon. Napagdaanan ko rin po ang nararamdaman ninyo ngayon ng malaman ko ang tungkol sa aking bunsong kapatid. Lahat naman po ay may karapatang mahalin ang taong nais niyang makapiling sa kanyang buhay. Karapatang hanapin ang kanyang tunay na ligaya. Laking pasasalamat ko po na sa akin po natagpuan ng anak ninyo ang ligayang iyon. At ganoon din naman po ako, siya ang nagbibigay sa aking ng isang tunay na ligaya at pagmamahal na di ko nadarama sa buhay ko. Subalit kung masisira ko ang inyong pamilya ay ako na po ang magpaparaya.”

Halos mapaluha kaming apat sa loob ng silid. Wala pa ring reaction sina Mama at Papa ng ilang minuto. Kaya naman nagpaalam na si Rommel sa aming tatlo.

“Iho, Rommel nga ba ang pangalan mo” ang tanong ni Papa kay Rommel at tumango naman ito.

“Huwag ka munang umalis. Sana naiintindihan mo kami. Hangad lang namim ang magandang buhay para sa anak namin. Sa totoo lang hindi kami nakatulog kagabi sa pag-iisip. Pero ngayong umaga ay napag-isip-isip namin na ang anak lamang namin ang siyang makakapagsabi kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay at kung saan siya magiging masaya. Subalit naririto pa rin kami upang suportahan siya sa lahat ng kanyang magiging desisyon” ang salaysay ng aking Papa.

“Iho, huwag mo sanang sasaktan ang aming anak” ang dugtong naman ng aking Mama.

Sa aming narinig ni Rommel ay labis kaming natuwa.

“Mama, Papa, maraming salamat sa inyong pag-uunawa” ang bigla ko naman nasabi sa kanila. Sabay yakap ko sa kanilang dalawa.

“Oh, iho, makiyakap ka na rin dito” ang paanyaya ni Papa kay Rommel.

Lumuwag ang aming kalooban sa mga oras na iyon. Sumama na din sa amin sa bahay sina Mama at Papa. Kinagabihan ng araw na iyon ay nagpahanda agad si Mama ng kaunting mapagsasaluhan namin. Lingid sa aking kaalaman ay kinutsaba nina Mama si Rommel upang sunduin ang kanyang mga magulang sa probinsya. Ilang oras lang naman ang byahe mula Maynila kaya bago pa man kami maghapunan ay dumating na rin sila.

Nagulat ako sa pagdating ng mga magulang ni Rommel. Noon din inamin ni Rommel na alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa. Nagtapat kasi siya noon pa mang nagsimula na siyang hindi umuwi ng weekends sa kanila. Naintindihan naman nila ang kanilang anak at wala naman silang pagtutol sa aming relasyon ni Rommel. Nagkakilanlan ang aming magulang at naging masaya ang pagsasalusalo namin ng gabing iyon. Tila ba ikinasal kami ni Rommel sa harap ng aming mga magulang. Kinabukasan ay nagpaalam na rin ang mga magulang ni Rommel dahil di nila maiwanan ang koning kabuhayang naiwan sa probinsya. Si Mama at Papa naman ay nagyayang magpunta kami sa Boracay bago sila lumipad pabalik ng US.

Isang lingo ang nakalipas ng bumalik sa US sina Mama at Papa. Kami naman ni Rommel ay nagpatuloy sa aming masayang relasyon. Syempre hindi naman puro tawanan at kasiyahan ang aming pagsasama. Nagkaroon pa rin kami ng hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan. Subalit ano mang gusot na dumating sa aming samahan ay amin itong pinag-uusapan at nagpapatawaran. Sa ngayon ganap na akong doctor at inaayos lamang namin ang ma papeles ni Rommel at pupunta na rin kami sa US upang harapin ang panibagong bukas sa aming buhay.

- WAKAS -

Share this article :

+ comments + 1 comments

Anonymous
January 5, 2014 at 1:57 PM

I love ur story i hope my rommel din aq mklla not.just.for sex.but.for long lasting friendship Godbless u more ;)))


09184346095
Nice story inspiring and very touching;))

Post a Comment

Blog Contents Disclaimer:

-PhilippineGayOnline Blog do not host or upload any movies and films.Therefore,Philippine Gay Online Blog held no responsibility for the accuracy, compliance, copyright, decency, legality or any other aspect of the contents from third party,link,and source sites.If you have any legal issues for any of the movies and films located in this blog,kindly contact the appropriate host/source sites.Thank you.

-We respect the intellectual property of others,thats why we are not hosting the videos here in our blog.This videos are courtesy of its right/true owner/up-loader.No copyright infringement intended upon the used of this videos.This videos are not hosted on our servers,this are all embedded only.For complaints about this videos,please contact the source site.Upon watching the videos in this site,you should be in the right age(18 years old and above) and you agree with the things stated above.

DISCLAIMER NOTE:
-If you believe that you are the real owner of some of the videos on this blog and you dont want to appear this videos on our blog even though it is just an embedded video only,We will respect your decision,kindly message us on our email add pgo_blog@yahoo.com and we will promptly remove this content.Thank you.

Be One Of Us!Join This Site Now!